Award: ‘Palimos ng awa’ Award
Reflection:
Katulad ng night or day, naipakilala na rin ito sa
amin ng kaibigan ni Bret bago pa namin laruin ito. Pero yung name lang ng game
ang nasabi sa amin. Pero ang naisip ko, bato balani dahil kailangan mong
makahanap ng pair na parang “opposites attract”. Pero iba pala ito – brutal na
nakatawa ka pa.
Hinati ang klase sa dalawang grupo
at sinabi na ni Maam Grecia yung laro at ang mechanics. Pagkatapos nito,
nag-raise ng question si Mawell. Akala namin related sa mechanics. Yun pala
humingi ng permission lumipat dahil dehado siya at ang katabi niya ay Lawrence.
Okay. So, ang goal ng game ay mai-touch ang anumang body parts ng iyong kalaban
kay Maam Grecia na nasa gitna ng bilog sa pamamagitan ng paghatak at
pagkaladkad papunta sa gitna.
Katulad ng inaasahan, naging sobrang
brutal talaga ang larong ito lalong lalo na kung naging katabi mo sina David,
si Justin at yung import from the next class. Kaya naman tuwing shinu-shuffle
yung position, halos lahat ayaw ng tumabi sa tatlo.
Pinakanaaliw ako sa last variation,
na ang target mo na ay mai-touch ang body parts mo kay maam habang hinhila at
pinipigilan ng ibang grupo. Kung hindi ako nagkakamali, ang nanalo dito ay si
Kernell. At sobrang funny lang. Para sa akin, nagmukhang parang bibe (duck) si
Kernell na inistretch yung leeg para maitouch yung ulo kay Maam Grecia. LOL.
At dagdag pa rito, kung sa unang
blog entry ko shinare ko ang una kong pagbagsak, dito i-shashare ko naman ang
unang panununtok ko sa isang professor. HAHA. I’m just so in it to win it
during that time. HAHA.
Variation: Siguro, sa halip na kahit anong body parts. Pwedeng
mag-assign ng particular body part na kailangang mai-touch sa magnet.
Halimbawa: Ilong o yung hinliliit.
Varsity Player: Justin. David. Kernell. At yung import. Ang award na
ibibigay ko sa kanila ay ‘The Iron Men’ Award