Reflection:

Kung ako ang tatanungin mas gusto
kong mataya sa bandang pahuli. Kapag ikaw ang hinahabol, may konting segundo ka
pa para magpahinga, pero kapag nataya ka kaagad, wala kang choice kundi tumakbo
ng tumakbo para habulin ang iba pang players. Minsan may tendency pang
nakakaladkad ka na para lang mataya ang ibang players. Ganito ka-wild at
ka-exhausting ang larong ito.
Pero lalong tumindi ang larong ito
noong round 2 na kung saan tuwing makakabuo ng 6 na taong magkakahawak ng
kamay, maaari na silang humiwalay ay manghabol ng ibang players. Sa madaling
salita, ang dating dalawang kamay na iniiwasan mo, dumami na! Kaya naman ang
ibinigay kong award dito ay ‘Run for your life’ award. Ito yung karaniwan kong
napapanood sa mga suspense-thriller / horror movies kung saan yung alien o
zombies ay nag-reregenerate. And the only thing you can do is to run for your
life. Naks!
Kung hindi ako nagkakamali, dito
nangyari yung matinding collission sa dalawa naming kaklase habang umiiwas sa
mga taya. Dito rin siguro yung natanggal ang salamin ni Mawel pero sinubukan
pa rin niyang tumakbo, pero sa huli tumawag siya ng timeout dahil wala na
siyang makita.
Variation: Walang powers ang mga hindi pa natataya kundi umiwas
lang. Kaya para sa variation, may kapangyarihan silang iligtas ang mga tayang
nasa gitna sa pamamagitan ng pag-tap at habang umiiwas pa rin sa mga tayang
nasa magkabilang-dulo.
Varsity Player: Si Mawel ang MVP para sa larong ito dahil patuloy
pa rin siya sa pag-iwas kahit di na niya makita ang mga taya.
No comments:
Post a Comment