Award: 'Ang unang pagbagsak sa klase’ award
Kinalakihan ko nang nilalaro ang
larong ito pero sobrang wild lang ngayon dahil halos dalawampung katao ang
kalaban mo. Ang ibinibigay kong award dito ay ‘Ang unang pagbagsak sa klase’
award dahil ito ang unang beses akong bumagsak – hindi sa exam kundi sa sahig.
Sa aking natatandaan, yung grupo
namin ang underdog sa larong yun. Dahil sa kabilang grupo, nandun si Ma’am
Grecia, si Fads at lahat ng competitive at malalakas naming kaklase. Ang target
talaga namin dun ay makuha at gawing bihag si Ma’am Grecia pero kahit anong
gawin namin sobrang lakas lang talaga niya at dagdag pa doon maraming
nakapalibot sa kanya na nasa defense mode para protektahan siya na para bang
she’s the team’s most precious asset.
Katapat ko noon si Fads na kalaban
namin. Noong una, naghahamunan lang kami pero bigla akong nahila. Tapos hinila
naman ako ng mga kagrupo ko para i-save. Kaya naman ang naging ending, bumagsak
ako sa sahig. Pero ewan ko ba pero hindi ako nasaktan nun, siguro sa sobrang
saya lang ng game.
Sa mga sumunod na rematch, mas
lalong naging intense ang atmosphere. May naghihilahan sa kabila, may
naghihilahan sa kabilang dulo. Yung grupo namin, hindi na magkaintindihan kung
saan pupunta. May point ngang, paatras na lang kami ng paatras habang umaabante
ang mga kalaban namin na nasa game face mode lahat.
Sa sobrang rock-on ng game parang
nakailang rematch kami para malaman kung sino ang panalo. Pero sa huli, kami
ang natalo.
Variation: Para sa variation ng bihagan, sa halip na dalawang
kamay ang gamitin, isang kamay na lang. Tapos ubusan ng lahi na bawat taong
nagiging bihag ay magiging part na ng group na yun para manghila ng iba
hanggang sa wala nang matira sa kalabang grupo.
Varsity Player: Ang ‘Lakas mo, dude’ award ay ibibigay ko kay Fads at
Kernell. Kay Fads dahil siya ang humila sa akin. At kay Kernell na kahit
patpatin ay sumugod siya sa likod at itunulak pa si Fiel papunta sa base nila.
No comments:
Post a Comment