Award: ‘Pag tumakbo sila, takbo na rin ako’ Award
Bago pa lang laruin itong game na ito, isang kaibigan
ko ang nag-share ng kanyang experience habang nilalaro ito. Sobrang funny lang
daw talaga ng larong ito. Ako naman hindi naniniwala dahil kung papakinggan
yung kwento niya, tatakbo lang kung depende kung nakataob o nakaharap ang
tsinelas. Pero isa pa la itong malaking pagkakamali. LOL.
Sa totoo lang kung pwede lang
magbigay ng zero sa sarili para sa reaction time, naibigay ko na siguro sa
sarili ko. Sobrang loading lang talaga ng game na ito. Bago ako tumakbo,
iniisip ko pa talaga kung ako ba ang tatayain o ako ang mananaya. Pero sa
pagtagal nakuha ko na rin ang tamang strategy dito. Sa halip na tingnan ang
tsinelas, tingnan mo na lang mga katabi at kagrupo. Kung tumakbo sila papunta
sa base, kayo ang tatayain. Kung aatake sila, kayo ang mananaya. Ganun lang
kasimple. HAHA. Pag tumakbo sila, takbo na rin ako!
Maliban sa MVP award, ang ibibigay
kong award ay King and Queen of Lag Time. Ito ay para kina Kernell at Pau dahil
nabiktima sila ng pagiging loading ng larong ito. Highlight din ng larong ito
ang planadong paghagis ni Maam Grecia ng tsinelas pero iba pa rin ang lumalabas
na tayo ng tsinelas. Lalo pang humirap ang laro nang naging dalawa na ang
tsinelas na kailangan i-consider. Bago ka tumakbo, kailangan mo pang tingnan
kung alin sa tsinelas ang kanan at kaliwa. At sa huli, ang mangyayari, matataya
ka na hindi ka pa makakatakbo sa sobrang lito.
Variation: Sa halip na tsinelas ang gamitin, pwede ring gumamit
ng piso para mas maliit. Kailangan pa nilang lumapit para makita kung head or
tail.
No comments:
Post a Comment