AWARD: ‘Kung Hei Fat Choi’ Award
This is like a revisit to the
Chinese cultural roots. Ito ang isa sa pinaka-creative na laro ngayong invented
game season dahil inspired ito ng dragon dance tuwing Chinese New Year. Ang
objective ay makuha ng mga dragon ang bola mula sa mga naghahagis nito.
Sa pagkakataong ito, ang grupo namin
ang nanalo at ito ay dahil kay Lem. Iba na talaga ang matangkad. Siya yung
pinaka-dragon namin at kami naman ay nagmukhang pabigat lang habang gumagalaw
para makuha ang bola. Nilaro namin ito katabi ng basketball court. Kaya naman
dapat handa ka rin sa nagliliparang bola.
Wala kaming ka-effort-effort sa game
na ito dahil kami ang nakakakuha ng bola at hindi na namin kailangan umiwas sa
mga nananaya. And again credits go to Lem. Ang highlight ng game na ito ay yung
sa tuwing napupunta yung bola sa bench. Ang Dragonball Z ay biglang nacoconvert
sa Sambunot o Agawang-Buko dahil competitive lahat para lang makuha ang bola.
Isa pa ring highlight nito ay si Pau na walang kaalam-alam na nakataya na pala
siya sabay yakap kay Lawrence o Fiel. Ang cute lang. HAHA.
VARIATION: Naka-blindfold ang dragon at ang magdidikta ng galaw
niya ang yung mga taong nakakabit sa kanya. Parang comparable ito sa actual
dragon dance na ang galaw ng dragon ay nakadepende sa galaw ng mga tao. Pwede
ring maraming bola na ang gamitin dahil mula sa title, si Goku nag-iipon ng mga
dragon balls.
VARSITY PLAYER: Ang ‘Iba na ang nag-Growee at Star Margarine’ Award
ay ibibigay ko kay Lem dahil wala namang magkwewestiyon na dinominate niya
talaga yung game. Iba na ang matangkad! Haha.
No comments:
Post a Comment