Award: ‘Ang laro ni Lastikman’ award
Ito ay isa sa mga laro na kahit
hindi ka masyadong gumagalaw ay nakakapagod pa rin sa huli. Ang objective nung
game ay ilayo ang ankle mo sa kalaban mo habang tinatarget mo ang ankle ng kalaban.
Kaya naman, umaatake ka na, kailangan pa ring maging alisto at dumepensa.
Kung hindi ako nagkakamali, ang
katapat ko nun ay Lhem. Tuwing nakadefense mode siya, saka ako umaatake pero
pag-umatake na siya, napapaatras na ako. Kaya naman hindi maiwasan na magasgas
o masugatan ang tuhod mo. Ang tanging napapakinggan ko na lang nun ay ang
mabilis na pagbibilang ng mga teammate ko (1,2,3,4,5,6,7,...42) dahil sa maaari
kang makakuha ng unlimited score.
Sa pangalawang round naman, magiging
kakampi mo na ang katabi mo, ganun din sa mga kalaban. Kumbaga, ito ay isang
3VS3 match na. Ang katabi ko nun ay si Mark at Kernell, kaya naman
pinagtulungan naman si Lhem sa kabilang team. Nakaipon ako nun ng halos 50
points. Pero habang umaatake kami, may pumupunterya rin mula sa kabilang team
as we left our ankle unguarded. Kaya naman, iginalaw ko ang paa at a different
angle na ang feeling ay parang humahaba ang paa ko para lang hindi maabot ng
kalaban. May pakiramdam pa ngang kahit yung hinlalaki at hinliliit mo sa paa ay
naka-stretch out na. Kaya naman ang ibinigay kong award dito ay ‘Ang laro ni
Lastikman’ award.
P.S. kami nga pala ang nanalo dito.
Haha. Parang sa lahat ng team event, dito lang ako nanalo.
Variation: Sa halip na stationary lang sa
pwesto, pwedeng lumipat sa ibang pwesto para umatake o tulungan ang kagrupo
pero dapat nakaluhod pa rin habang lumilipat.
Varsity Player: Para sa larong ito, ako ang MVP. Haha. Dahil isa
naman ako sa highest scorers sa team namin at nag-effort talaga ako dito kahit
na sa huli ay puro galos at alikabok na ang tuhod ko.
No comments:
Post a Comment