Award: ‘Sabaw ang lahat’ award
Reflection:
Hindi pa naman hell week noong nilaro namin ito, pero
lahat talaga kami ay sobrang sabaw noong araw na yun. Habang nag-wowork na yung
game sa kabilang team, kami naman parang nasa recovery stage pa na parang
katatapos lang namin kumuha ng limang exams sa major subjects noon. Kung hindi
sobrang slow, sobrang na-eexcite naman ang karamihan sa amin kabilang na ako.
Ang objective ng game, kailangang
tumakbo yung nasa unahan o nasa hulihan papunta sa ibang basket para hindi
mataya. Simple lang siya kung papakinggan pero once na nilaro na, hindi na magkaintindihan
ang lahat kung tatakbo ba o hindi.
Sa halip na tumakbo ang isa sa mga
nasa dulo, minsan napapatakbo parehas kaya naman hindi alam nung taya kung sino
ang tatayain. Pero hindi lang yun, minsan yung mga prutas (tao) sa isang basket
magtatakbuhan lahat na para bang nangangain ang taya. May punto rin sa laro na
patuloy na lumilipat sa ibang basket tapos marerealize ng lahat na wala palang
taya dahil nasa basket na rin. Sobrang sabaw lang talaga.

Variation: Sa halip na lumipat sa mga katabing basket, dapat
lumipat siya sa basket na 3 o higit pang basket ang layo sa pinagmulan niya. O
di kaya ay sa halip na patakbo ay kailangang mag-hop ng players na lumilipat ng
pwesto.
Varsity Player: Ang award na ‘Isigaw mo lang yan’ award ay ibibigay ko kina (drum roll)
Melanie at Anne dahil sa tuwing napupunta sa basket nila yung additional na tao
o prutas, walang humpay na tili na lang ang mapapakinggan mo sa kanila habang
tumatakbo.
No comments:
Post a Comment