Award: ‘Sabaw. Lutang. Sabog.’ Award
Reflection:

Ang klase ay hinati sa dalawang
grupo na may tig-tatlong representatives na may hawak ng bato, gunting at
papel. Ang ibang players naman ay nakalinya sa likod ng mga representatives.
Sa original game, okay pa siya dahil
pataasan lang ng points. Pero nang i-introduce na ang variations, lahat kami ay
naging tanga na nakanganga habang iniisip kung sino ba ang nanalo, dapat bang
umiwas o dapat bang manaya. Isa sa mga nabiktima dito ay si Kernell. Dahil sa
kalituhan, sugod lang ng sugod si Kernell at hindi niya alam na sila pala ang
dapat tayain.
Nakakaawa rin ang mga representative
namin – sina Jeru, Justin at yung isa pa dahil sa bawat round sila ang
pinagkakaguluhan at kinukuyog naming lahat para lang mailigtas mula sa mga
nananaya.
Variation: Para malito at maliyo na ang lahat ng tuluyan.
Mag-iiba na ang basic mechanics ng laro. Ang makakatalo sa bato ay gunting. Ang
makakatalo sa papel ay bato. Ang makakatalo sa gunting ay papel.
Varsity Player: Para sa game na ito, ang ‘Wala kaming lusot sa iyong
galamay’ Award ay mapupunta kay David dahil bago ka pa makalipat ng pwesto
matataya ka na.
No comments:
Post a Comment