Tuesday, March 19, 2013

Rank 1: Bato-balani


Award: ‘Palimos ng awa’ Award


Reflection:
            Katulad ng night or day, naipakilala na rin ito sa amin ng kaibigan ni Bret bago pa namin laruin ito. Pero yung name lang ng game ang nasabi sa amin. Pero ang naisip ko, bato balani dahil kailangan mong makahanap ng pair na parang “opposites attract”. Pero iba pala ito – brutal na nakatawa ka pa.
            Hinati ang klase sa dalawang grupo at sinabi na ni Maam Grecia yung laro at ang mechanics. Pagkatapos nito, nag-raise ng question si Mawell. Akala namin related sa mechanics. Yun pala humingi ng permission lumipat dahil dehado siya at ang katabi niya ay Lawrence. Okay. So, ang goal ng game ay mai-touch ang anumang body parts ng iyong kalaban kay Maam Grecia na nasa gitna ng bilog sa pamamagitan ng paghatak at pagkaladkad papunta sa gitna.
            Katulad ng inaasahan, naging sobrang brutal talaga ang larong ito lalong lalo na kung naging katabi mo sina David, si Justin at yung import from the next class. Kaya naman tuwing shinu-shuffle yung position, halos lahat ayaw ng tumabi sa tatlo.
            Pinakanaaliw ako sa last variation, na ang target mo na ay mai-touch ang body parts mo kay maam habang hinhila at pinipigilan ng ibang grupo. Kung hindi ako nagkakamali, ang nanalo dito ay si Kernell. At sobrang funny lang. Para sa akin, nagmukhang parang bibe (duck) si Kernell na inistretch yung leeg para maitouch yung ulo kay Maam Grecia. LOL.
            At dagdag pa rito, kung sa unang blog entry ko shinare ko ang una kong pagbagsak, dito i-shashare ko naman ang unang panununtok ko sa isang professor. HAHA. I’m just so in it to win it during that time. HAHA.

Variation: Siguro, sa halip na kahit anong body parts. Pwedeng mag-assign ng particular body part na kailangang mai-touch sa magnet. Halimbawa: Ilong o yung hinliliit.

Varsity Player: Justin. David. Kernell. At yung import. Ang award na ibibigay ko sa kanila ay ‘The Iron Men’ Award



Rank 2: Night or Day


Award: ‘Pag tumakbo sila, takbo na rin ako’ Award


Reflection:
            Bago pa lang laruin itong game na ito, isang kaibigan ko ang nag-share ng kanyang experience habang nilalaro ito. Sobrang funny lang daw talaga ng larong ito. Ako naman hindi naniniwala dahil kung papakinggan yung kwento niya, tatakbo lang kung depende kung nakataob o nakaharap ang tsinelas. Pero isa pa la itong malaking pagkakamali. LOL.
            Sa totoo lang kung pwede lang magbigay ng zero sa sarili para sa reaction time, naibigay ko na siguro sa sarili ko. Sobrang loading lang talaga ng game na ito. Bago ako tumakbo, iniisip ko pa talaga kung ako ba ang tatayain o ako ang mananaya. Pero sa pagtagal nakuha ko na rin ang tamang strategy dito. Sa halip na tingnan ang tsinelas, tingnan mo na lang mga katabi at kagrupo. Kung tumakbo sila papunta sa base, kayo ang tatayain. Kung aatake sila, kayo ang mananaya. Ganun lang kasimple. HAHA. Pag tumakbo sila, takbo na rin ako!
            Maliban sa MVP award, ang ibibigay kong award ay King and Queen of Lag Time. Ito ay para kina Kernell at Pau dahil nabiktima sila ng pagiging loading ng larong ito. Highlight din ng larong ito ang planadong paghagis ni Maam Grecia ng tsinelas pero iba pa rin ang lumalabas na tayo ng tsinelas. Lalo pang humirap ang laro nang naging dalawa na ang tsinelas na kailangan i-consider. Bago ka tumakbo, kailangan mo pang tingnan kung alin sa tsinelas ang kanan at kaliwa. At sa huli, ang mangyayari, matataya ka na hindi ka pa makakatakbo sa sobrang lito.

Variation: Sa halip na tsinelas ang gamitin, pwede ring gumamit ng piso para mas maliit. Kailangan pa nilang lumapit para makita kung head or tail.

Varsity Player: King and Queen of Lag Time ay mapupunta kay Kernell at Pau. Kdot. 

Rank 3: Taktikaten

Award: ‘Hindi na kita friend. Friendship Over’ Award

Reflection:
            Sa tingin ko, ang invented game na ito ay inspired ng isang sikat na gameshow, ang Game KNB? Ang bawat team ay may tatlong moves sa bawat round – either magpaabante ka ng iyong kagrupo o magpaatras ng mga taong mula sa ibang grupo. Ang goal dito ay paunahang makayapak sa tenth spot.
            Isang buong period ang ginugol namin para sa larong ito. Medyo masalimuot ito at nangangailangan ng matinding pag-iisip ng strategy para matalo ang ibang grupo. Sa simula, chill chill lang ang lahat ng teams dahil paabante lang ng paabante. Sa kalagitnaan, nagpanic na si Maam at ni-remind kami na competition ito at kailangan naming magstrategize ng maayos. In a way, sinasabi niyang: “Guys, paatrasin niyo sila. Walang mangyayari sa atin dito.” LOL.
            Sa bandang dulo ng laro. Nagsimula ng magpanic ang lahat dahil halos lahat ng teams ay nasa 7th o 6th spot na. Sa aming grupo, ako at si Cara ang naging utak na gumagawa ng strategies. Nakakatuwa lang dahil bago pa ang turn namin, may nakaready na kaming moves. Pero sa tuwing titira kami, wala kaming magawa kundi baguhin ito at magpaatras ng kalaban. Sayang naman. Sobrang pinag-iisipan namin yung galaw namin tapos wala ring nangyari. Haha. Ganito ang karaniwang nangyayari. Habang may iba pang teams na pwedeng magpaatras, tira lang tira at ipaubaya na lang sa team na yon ang pagpapaatras.


Variation: Wala akong maisip na variation para sa larong ito. Siguro ito na lang. Ang bawat team ay may kapangyarihang paalisin ang isang player ng ibang teams kapalit ng pagpapaalis ng isang team member nila. Ito ay para hindi lang abante ng abante. Kailangan nang mag-ipon at magpasok ng maraming players sa loob para may advantage pa rin.

Varsity Player: Ang varsity player para dito ay si Cara at ako. Sobrang sineryoso namin ito. Iniisip talaga namin yung magiging moves ng ibang teams.

P.S. Wala nga palang nangyari sa lahat ng effort namin. Dahil sa huli,  nagkaroon ng connivance ang dalawang team. Pero natapos ang laro na nanghihinayang ang karamihan pero tawang-tawa pa rin.  
            

Rank 4: Laro 'teh


Award: ‘Sabaw. Lutang. Sabog.’ Award

Reflection:
            Tinapatan nito ang pagkasabaw naming lahat noong nilaro namin ang Basket na may Prutas. Sobrang galing din ng mga reporters dahil nabigyan nila ng bagong twist ang pangkaraniwan ng larong Jack en Poy.
            Ang klase ay hinati sa dalawang grupo na may tig-tatlong representatives na may hawak ng bato, gunting at papel. Ang ibang players naman ay nakalinya sa likod ng mga representatives.
            Sa original game, okay pa siya dahil pataasan lang ng points. Pero nang i-introduce na ang variations, lahat kami ay naging tanga na nakanganga habang iniisip kung sino ba ang nanalo, dapat bang umiwas o dapat bang manaya. Isa sa mga nabiktima dito ay si Kernell. Dahil sa kalituhan, sugod lang ng sugod si Kernell at hindi niya alam na sila pala ang dapat tayain.
            Nakakaawa rin ang mga representative namin – sina Jeru, Justin at yung isa pa dahil sa bawat round sila ang pinagkakaguluhan at kinukuyog naming lahat para lang mailigtas mula sa mga nananaya.

Variation: Para malito at maliyo na ang lahat ng tuluyan. Mag-iiba na ang basic mechanics ng laro. Ang makakatalo sa bato ay gunting. Ang makakatalo sa papel ay bato. Ang makakatalo sa gunting ay papel.

Varsity Player: Para sa game na ito, ang ‘Wala kaming lusot sa iyong galamay’ Award ay mapupunta kay David dahil bago ka pa makalipat ng pwesto matataya ka na. 

Rank 5: Dragonball Z


AWARD: ‘Kung Hei Fat Choi’ Award       

REFLECTION:
            This is like a revisit to the Chinese cultural roots. Ito ang isa sa pinaka-creative na laro ngayong invented game season dahil inspired ito ng dragon dance tuwing Chinese New Year. Ang objective ay makuha ng mga dragon ang bola mula sa mga naghahagis nito.  
            Sa pagkakataong ito, ang grupo namin ang nanalo at ito ay dahil kay Lem. Iba na talaga ang matangkad. Siya yung pinaka-dragon namin at kami naman ay nagmukhang pabigat lang habang gumagalaw para makuha ang bola. Nilaro namin ito katabi ng basketball court. Kaya naman dapat handa ka rin sa nagliliparang bola.
            Wala kaming ka-effort-effort sa game na ito dahil kami ang nakakakuha ng bola at hindi na namin kailangan umiwas sa mga nananaya. And again credits go to Lem. Ang highlight ng game na ito ay yung sa tuwing napupunta yung bola sa bench. Ang Dragonball Z ay biglang nacoconvert sa Sambunot o Agawang-Buko dahil competitive lahat para lang makuha ang bola. Isa pa ring highlight nito ay si Pau na walang kaalam-alam na nakataya na pala siya sabay yakap kay Lawrence o Fiel. Ang cute lang. HAHA.

VARIATION: Naka-blindfold ang dragon at ang magdidikta ng galaw niya ang yung mga taong nakakabit sa kanya. Parang comparable ito sa actual dragon dance na ang galaw ng dragon ay nakadepende sa galaw ng mga tao. Pwede ring maraming bola na ang gamitin dahil mula sa title, si Goku nag-iipon ng mga dragon balls.

VARSITY PLAYER: Ang ‘Iba na ang nag-Growee at Star Margarine’ Award ay ibibigay ko kay Lem dahil wala namang magkwewestiyon na dinominate niya talaga yung game. Iba na ang matangkad! Haha.